Phnom Penh, Cambodia—Ngayong taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cambodia. Sa okasyong ito, kinatagpo Biyernes, Mayo 11, ni Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia si Zhao Kezhi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Ministro ng Pumpublikong Seguridad ng Tsina.
Sinabi ni Zhao na ang Tsina't Cambodia ay "komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasahan" na may katuturang estratehiko. Nakahanda aniya ang Tsina na samantalahin ang okasyong ito para mapalalim ang komprehensibong etratehikong partnership na pangkooperasyon sa pamamagitan ng mga pragmatikong kooperasyon at magkasamang pagpapatupad sa planong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Sinabi naman ni Hun Sen na pumapasok sa bagong yugto ang relasyong Sino-Kambodiyano. Nakahanda rin aniya ang Cambodia na palakasin ang mga pragmatikong pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan para magdulot ng mas maraming kapakinabangan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo rin si Zhao ni Sar Kheng, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Cambodia.
Salin: Jade
|Pulido: Mac