Phnom Penh, Cambodia—Labing-isang dokumentong pangkooperasyon ang pinirmahan Biyernes, Mayo 11, 2018 ng mga non-governmental organization (NGO) ng Tsina at Cambodia. Ang mga dokumentong pangkooperasyon ay may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, serbisyong medikal, edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran, pangangalaga sa mga bata, pagpapalitan ng mga boluntaryo, at iba pa.
Lumahok sa seremonya ng paglagda ang mahigit 150 kinatawan mula sa 48 NGO ng Tsina't Cambodia.
Sina Liu Kaiyang (kaliwa), Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng China NGO Network for International Exchanges (CNIE) at Kemreat Viseth (kanan), Tagapangulo ng Cambodian Civil Society Alliance Forum sa seremonya ng paglagda (CRI/Feng Hui)
Salin: Jade
Pulido: Mac