|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Cambodia—Sandaang may sakit sa pusong taga-Cambodia ang nakatakdang operahan ng mga doktor na Tsino mula taong 2018 hanggang 2020.
Isasagawa ito batay sa isang Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan ng mga Ministri ng Kalusugan ng Tsina at Cambodia, kahapon, Huwebes, Enero 11, 2018.
Sinabi ni Pan Xiangbin, namamahalang tauhan ng nasabing proyekto na ang nasabing mga may sakit sa puso ay ipapadala sa Fuwai Hospital sa lalawigang Yunnan, Tsina, ooperahan at iuuwi sa Cambodia. Si Pan ay puno ng nasabing ospital at siya rin ay direktor ng Cardiac Surgery Ward ng Fuwai Hospital ng Beijing. Ang Fuwai Hospital ang pinakamagaling na ospital sa Tsina na dalubhasa sa mga cardiovascular disease.
Sinabi rin ni Pan na bukod sa pagsasagawa ng surihiya, sasanayin din ng kanyang ospital ang mga tauhang medikal ng Cambodia.
Ayon sa nasabing MOU, tutulungan din ang Tsina ang Cambodia sa pagtatayo ng bagong gusaling medikal ng Preah Kossamak Hospital sa Phnom Penh, at Tboung Khmum Hospital sa lalawigang Tboung Khmum.
Tumayong saksi sa paglagda ng MOU sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro ng Hun Sen ng Cambodia. Dumalaw si Premyer Li sa Cambodia noong Enero 11, makaraang lumahok siya sa Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), noong Enero 10 sa Phnom Penh.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |