Phnom Penh, Cambodia-Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, inabuloy Miyerkules, Enero 17 ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Cambodia ang mga kagamitang pang-opisina sa pamahalaang Kambodyano. Kabilang sa mga kagamitan ay computer, printer, scanner, projector, pick-up car na nagkakahalaga ng 100 milyong Yuan RMB.
Layon ng donasyon ay ipatupad ang napagkasunduan ng dalawang bansa sa Pulong ng Cambodia-China Inter-government Coordination Committee noong 2017. ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Cambodia.
Ipinahayag naman ni Hor Namhong, Pangalawang Punong Ministro ng Cambodia at Puno ng nasabing komite, ang pasasalamat sa Tsina.
Sina Xiong Bo (ika-2 sa kaliwa), Embahador ng Tsina sa Cambodia at Hor Namhong (ika-3 sa kanan), Pangalawang Punong Ministro ng Cambodia sa seremonya ng donasyon
Salin: Jade
Pulido: Mac