|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sinimulan ngayong araw, Linggo, Mayo 13, ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran ang pagdalaw sa Tsina para talakayin ang hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Ito ang ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Bukod sa Tsina, dadalaw rin si Zarif sa Rusya at ilang bansang Europeo.
Sinabi ni Geng na bilang signataryong bansa ng Iran nuclear deal o Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), buong-higpit na sinusubaybayan ng Tsina ang pag-unlad ng isyung nuklear ng Iran. Nakahanda aniya ng Tsina na panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga may kinalamang panig.
Noong Martes, Mayo 8, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ang pag-urong ng Amerika mula sa JCPOA. Nauwi ito sa pagtutol mula sa Iran at mga signataryong bansa.
Ang JCPOA ay nilagdaan noong 2015 sa pagitan ng Iran, limang permanenteng miyembro ng UN Security Council (Tsina, Estados Unidos, Britanya, Pransya at Rusya), Alemanya at Unyong Europeo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |