Ipinalabas kahapon, Lunes, ika-14 ng Mayo 2018, ng United Nations Security Council (UNSC), ang pahayag bilang pagkondena sa ilang teroristikong pag-atake, na naganap sa Indonesya, nitong dalawang araw na nakalipas.
Ipinahayag ng UNSC ang pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nabiktima sa mga pag-atake, at sa pamahalaan ng Indonesya.
Binigyang-diin ng UNSC, na dapat iharap sa batas ang mga maykagagawan ng mga pag-atake, at mga tauhan sa likod ng mga ito. Hinimok din nito ang lahat ng mga bansa, na makipagtulungan sa pamahalaan ng Indonesya, para mapigilan ang bantang dulot ng terorismo.
Kahapon at kamakalawa, naganap sa Surabaya, Indonesya, ang ilang teroristikong pag-atake. Ang mga maykagagawan ay pamilyang binubuo ng mga magulang at mga anak.
Salin: Liu Kai