Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag kahapon, Linggo, ika-13 ng Mayo 2018, ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), ang pagkondena sa mga suicide attack na naganap nang araw ring iyon sa Indonesya.
Ipinahayag din ni Guterres ang pagkasindak sa paggamit ng mga bata sa naturang mga pag-atake.
Ayon sa ulat, magkakasunod na naganap kahapon ng umaga ang mga suicide bombing sa tatlong simbahan sa Surabaya, lalawigang East Java ng Indonesya. Ito'y ikinamatay ng 11 katao, at ikinasugat ng 41 iba pa.
Sinabi ng panig pulisya ng Indonesya, na ang mga maykagagawan ay galing sa isang pamilya, na kinabibilangan ng mga magulang at 4 na anak, at ang pinaka-bata ay 9 na taong gulang. Ang pamilyang ito ay bumalik sa Indonesya mula sa Syria, dagdag pa ng panig pulisya.
Salin: Liu Kai