Beijing, Tsina—Nakatakdang idaos ang Ika-13 Pulong ng mga Kalihim ng Konseho ng Pambansang Seguridad ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) mula Mayo 21 hanggang Mayo 22, 2018.
Layon nitong paghandaan ang SCO Summit na gaganapin sa Qingdao, baybaying-lunsod sa dakong timog ng Tsina.
Ito ang ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Miyerkules, Mayo 16.
Ang SCO ay binubo ng walong miyembro na kinabibilangan ng Tsina, India, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio