HINAMON ng napatalsik na chief justice Ma. Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw matapos aminin na siya ang nasa likod ng matagumpay na pagpapatalsik sa punong mahistrado.
Ginawa ni Gng. Sereno ang pahayag isang araw matapos sabihin ni Pangulong Duterte na magbibitiw siya sa panguluhan kung mapatutunayan ang kanyang papel sa pagpapatalsik sa punong mahistrado.
Ani Gng. Sereno, sinabi ni G. Duterte na hindi totoong magbibitiw siya. Idinagdag ng pinatalsik na punong mahistrado na ilang beses nang narinig ang pahayag na magbibitiw siya. Ginawa ni Gng. Sereno ang pahayag sa isang talakayang binuo ng Integrated Bar of the Philippines at isang non-government organization na Manlaban sa EJK sa Pasig City.
Binanggit ng napatalsik na punong mahistrado na sinabi na ni Pangulong Duterte na kilalanin na siyang kalaban o kaaway matapos magtanong kung inutusan ba ng pangulo si Solicitor General Jose Calida na magparating ng quo warranto petition sa Korte Suprema.
Inutusan din ni Pangulong Duterte ang Kongreso na madaliin ang impeachment proceedings laban kay noo'y Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.