IBINALITA ng Philippine Drug Enforcement Agency na mayroong 60 mga opisyal ng barangay na kasama sa narco list ang nagwagi sa nakalipas na halalan noong Lunes, ika-14 ng Mayo.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sa 207 opisyal ng barangay na sinasabing sangkot sa illegal drugs, 36 na barangay chairmen at 24 na konsehal ng barangay ang nagwagi sa nakalipas na halalan. Hindi pa kumpleto ang talaan sa Bicol at sa Caraga region, dagdag pa ni G. Aquino.
Namili umano ng boto ang mga ito kaya nagwagi. Galing umano ang salapi sa illegal drugs. Babantayan pa ng PDEA ang kanilang mga pagkilos sa mga susunod na araw.