NAKATAKDANG talakayin sa "Tapatan sa Aristocrat" ang naganap at nagaganap sa Marawi City sa darating na Lunes, ika-21 ng Mayo. Nakatakdang dumalo ang mga kinatawan ng International Committee of the Red Cross, Catholic Relief Services at Task Force Bangon Marawi na saklaw ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Inaasahan ding makadadalo ang mga kinatawan ng Philippine National Police sa pagtitipon na magsisimula ganap na ika-siyam ng umaga sa Aristocrat sa Roxas Blvd., Malate, Maynila.