Si Liu He, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Premyer ng Tsina
Ipinahayag Sabado, Mayo 19, 2018, ni Liu He, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Premyer ng bansa, na naging positibo, pragmatiko, konstruktibo, at mabunga ang katatapos na pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Aniya, narating na ng dalawang panig ang komong palagay na hindi magkakaroon ng trade war, at ititigil ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa isa't-isa.
Ani Liu, palalakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya, produktong agrikultural, medisina, produkto ng high-tek, at pinansiya. Ito ay hindi lamang makakabuti sa kabuhayang Tsino, kundi makakatulong pa sa pagbabawas ng trdae deficit ng Amerika, dagdag niya.
Salin: Li Feng