Beijing, ika-26 ng Pebrero 2018- Ipinihayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ng pamahalaan ng Amerika, dadalaw si Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista at Direktor ng Tanggapan ng Central Leading Group on Financial and Economic Affairs ng Tsina sa Amerika sa ika-27 ng Pebrero hanggang ika-3 ng Marso.
Ani Lu, sa panahon iyon, magpapalitan ng mga palagay ang dalawang panig hinggil sa relasyon ng Tsina at Amerika at kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan.
salin:Lele