|
||||||||
|
||
Nagkasundo na ang Tsina at Amerika sa kanilang trade dispute, at inilabas sa Washington D.C. nitong Sabado, Mayo 19, 2018 ng dalawang panig ang magkasanib na pahayag. Sa Ika-4 na Porum ng Tsina at Globalisasyon na ginanap Linggo sa Beijing, nagpahayag ang mga kalahok ng kanilang pagtanggap tungkol dito. Ipinalalagay nila na ang pagpapalalim ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay hindi lamang nakakapagbigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi naaangkop din sa pangangailangan ng mundo.
Ipinalalagay ni Scott Kennedy, Pangalawang Direktor ng Proyekto ng "Freeman Chair in China Studies" ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) ng Amerika, na ang pagkakasundo ng Amerika at Tsina sa pagtitigil ng trade war, ay isang "pinaka-optimistikong resulta."
Ayon sa nasabing magkasanib na pahayag, upang mabigyang-kasiyahan ang walang tigil na pagtaas ng pangangailangan ng mga mamamayang Tsino at mapasulong ang kabuhayang may mataas na kalidad, daragdagan nang malaki ng panig Tsino ang pagbili ng mga paninda at serbisyo mula Amerika. Kaugnay nito, ipinahayag ni Fu Yucheng, dating Presidente ng Sinopec Group, na ito ang mabuting resulta ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinalalagay din ni Long Yongtu, dating Pangkalahatang Kalihim ng Bo'ao Forum for Asia (BFA), na ang pagkakasundo ng Tsina at Amerika ay hindi lamang nakakapagbigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayang Tsino sa mga mataas na kalidad na produkto at serbisyo, maghahatid din ito ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |