|
||||||||
|
||
Washington D.C. — Inilabas nitong Sabado, Mayo 19, 2018, ng Tsina at Amerika ang magkasanib na pahayag tungkol sa kanilang bilateral na pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Sa pahayag, sinang-ayunan ng dalawang panig na magsagawa ng mga mabisang hakbangin upang mabawasan ang trade deficit ng Amerika sa Tsina. Samantala, upang mabigyang-kasiyahan ang walang tigil na pagtaas ng pangangailangan ng mga mamamayang Tsino at mapasulong ang kabuhayang may mataas na kalidad, daragdagan nang malaki ng panig Tsino ang pagbili ng mga paninda at serbisyo mula Amerika. Ito ay makakatulong sa paglaki ng kabuhayang Amerikano at paghahanap-buhay nito.
Sinang-ayunan ng dalawang panig na dagdagan ang pagluluwas ng mga produktong agrikultural at enerhiya ng Amerika.
Lubos na pinahahalagahan ng dalawang panig ang pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), at sinang-ayunan nilang palakasin ang kooperasyon sa larangang ito.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig na hikayatin ang pamumuhunan sa isa't-isa, at magsikap sila para makalikha ng pantay na kapaligirang pangnegosyo.
Nagkasundo pa ang dalawang panig na patuloy na panatilhiin ang kanilang pagkokoordinahan para aktibong hanapin ang kalutasan sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |