|
||||||||
|
||
NAHALAL na pangulo ng Senado si Senador Vicente "Tito" Sotto bilang kapalit ni Senate President Aquilino Pimentel III. Magugunitang naglingkod si Senador Sotto bilang majority leader.
Labing-anim na senador ang lumagda sa resolusyon na humirang kay Senador Sotto bilang pangulo ng Senado. Kabilang sa mga lumagda ang dating senate president na si Senador Pimentel. Si G. Pimentel mismo ang nagtampok ng pangalan ng kanyang kahalili. Nagpasalamat din ang dating pangulo ng senado sa kanyang mga kasama sa oportunidad na ibinigay sa kanya bilang pinuno ng mataas na kapulungan.
SENATE PRESIDENT AQUILINO PIMENTEL III, NAPALITAN NA. Bumaba na sa kanyang puesto si G. "Koko" Pimentel at pinalitan na ni Majority Leader Vicente "Tito" Sotto III billing pangatlong pinakamataas na opisyal ng bansa sa balasahang naganap kanına sa Senado. (Senate PRIB Photo)
Sinabi ni G. Pimentel na may kakayahan si G. Sotto na pamunuan ang Senado sapagkat siya ang nagiging susi kung mayroong mga 'di pagkakanawaan sa mahahalagang isyung tinatalakay ng mga mambabatas. Isa na umanong institusyon si G. Sotto sa Senado, sa daigdig ng musika, palakasan at sa kanyang sariling political party.
Hindi kumontra si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mosyon ni G. Pimentel subalit hindi nagbigay ng kanyang napupusuang pumalit sa dating pangulo ng senado. Walang botong nagmula sa mga kabilang sa oposisyon.
Dumalo sa panunumpa ni G. Sotto ang kanyang maybahay na si Helen Gamboa at ang kanilang mga supling.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |