Beijing — Ginanap Martes, Mayo 22, 2018, ang Ika-13 Pulong ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) Security Council Secretaries na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga kasaping bansa ng organisasyong ito. Nangulo sa pulong si Zhao Kezhi, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina.
Tiniyak sa pulong na patuloy na ipapauna ng mga kasaping bansa ang kooperasyong panseguridad, at ibayo pang patitibayin ang pundasyong pambatas ng kanilang kooperasyong panseguridad. Bukod dito, patuloy nilang patataasin ang lebel ng kanilang kooperasyong panseguridad, at palalakasin ang konstruksyon ng mga rehiyonal na organo ng paglaban sa terorismo upang makapaglatag ng pundasyong pampulitika at panseguridad sa SCO Summit na gaganapin sa Qingdao, probinsyang Shandong, sa darating na Hunyo.
Salin: Li Feng