Ipinahayag ngayong araw, Miyerkules, ika-23 ng Mayo 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asa ng kanyang bansa, na walang sagabal na idaraos ang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea, at matatamo nito ang positibong bunga.
Sinabi ni Lu, na sa kasalukuyan, may napakagandang pagkakataon para sa pulitikal na paglutas sa isyu ng Korean Peninsula. Umaasa aniya ang panig Tsino, na sasamantalahin ng Amerika at H.Korea ang pagkakataong ito, at sabay-sabay na tutugunan at lulutasin ang mga pagkabahala ng isa't isa.
Nakahanda rin aniya ang panig Tsino, na gumanap ng positibong papel para pasulungin ang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai