Nakipag-usap Mayo 22, 2018 sa White House si Pangulong Donald Trump ng Amerika kay dumadalaw na Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea.
Nang araw ring iyon, sa isang magkasanib na preskon, ipinahayag ni Pangulong Trump na posibleng ipagpaliban ang kanyang pakikipag-usap kay Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, na nakatakdang idaos sa Hunyo ng taong ito. Ipinahayag niyang kung hindi makakatugon sa "paunang kondisyon" ng Amerika, hindi idaraos ang nasabing pag-uusap.
Nauna rito, ipinahayag naman ni Kim Kye-gwan, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hilagang Korea na ang nasabing kondisyon na "unahin ang pagsasakatuparan ng denuclearization sa Peninsula ng Korea, ay isagawa ang pagbibigay-kompensasyon" ay paghahadlang ng Amerika sa diyalogo.