|
||||||||
|
||
Hinimok ng Kataas-taasang Puno ng Iran na si Ayatollah Sayyed Ali Khamenei ang Unyong Europeo (EU) na patuloy na protektahan ang Iran nuclear deal.
Sa kanyang pahayag Miyerkules, Mayo 23, sinabi ni Khamenei na makaraang umurong mula sa nasabing kasunduan ang Estados Unidos, dapat makipagsanggunian ang EU sa United Nations Security Council para magkaroon ng mabisang kalutasan.
Ipinagdiinan din ni Khamenei na hindi makikipagtalakayan ang Iran sa ibang bansa kaugnay sa plano ng missile, sapagkat ang pagsubok-lunsad nito ng missile ay para sa pagtatanggol ng bansa at pangangalaga sa pambansang interes, at wala itong kaugnayan sa sandatang nuklear.
Noong Mayo 8, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ang pag-urong ng Amerika sa nasabing kasunduan at ang pagpapanumbalik ng mga sangsyon laban sa Iran.
Ang Iran nuklear deal na pormal na tinawag na Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) ay nilagdaan noong 2015 sa pagitan ng Iran, limang permanenteng miyembro ng UN Security Council (Tsina, Estados Unidos, Britanya, Pransya at Rusya), Alemanya at Unyong Europeo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |