Ipinahayag Huwebes, Mayo 24 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa suporta ng Burkina Faso sa prinsipyong isang Tsina. Nauna rito, ipinatalastas ng pamahalaan ng Burkina Faso ang pagputol sa relasyong diplomatiko nito sa Taiwan.
Sinabi pa ni Lu na noong 1971, ang prinsipyong isang Tsina ay inilakip sa UN General Assembly Resolution 2758, kung saan kinikilala ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina bilang siyang-tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan sa Tsina. Ang nasabing prinsipyo ay nagsisilbing pundasyon at paunang kondisyong pulitikal ng relasyon ng Tsina sa iba't ibang bansa, dagdag pa ni Lu.
Salin: Jade
Pulido: Mac