Sa kanyang ulat sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ngayong araw, Oktubre 18, 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na ang prinsipyong "Isang Tsina" ay pundamental na pundasyon sa relasyon ng magkabilang pampang, at ang "1992 Consensus" na nagpapakita ng prinsipyong ito ay susi upang maigarantiya ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang. Aniya, kung lubos na kikilalanin ang katotohanang historikal ng "1992 Consensus," magkakaroon ng diyalogo ang magkabilang pampang, at hindi iiral ang anumang hadlang sa pagpapalagayan ng lahat ng partido at organisasyong Taiwanes at mainland.
Ipinagdiinan din niya na may matatag na kalooban, sapat na kompiyansa at kakayahan ang mainland para pigilan ang tangkang "pagsasarili ng Taiwan" sa anumang porma.
Salin: Li Feng