Sinabi kahapon, Biyernes, ika-25 ng Mayo 2018, sa Saint Petersburg, Rusya, sa mga dayuhang mamamahayag, ni Pangulong Vladimir Putin ng bansang ito, na ang direktang pag-uusap ng Amerika at Hilagang Korea ay lilikha ng kondisyon para sa paglutas sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa kalagayan ng Korean Peninsula.
Ipinahayag din ni Putin ang pag-asang idaraos ang pagtatagpo ng mga lider ng naturang dalawang bansa, at matatamo ang positibong bunga.
Dagdag ni Putin, kung gustong isasakatuparan ang denuklearisasyon sa Korean Peninsula, dapat magbigay ang may kinalamang bansa ng garantiyang, hindi sasalakayin ang H.Korea at hindi lalapastanganin ang soberanya nito. Kung hindi aniya, at lilikha pa ng mga bantang nakatuon sa H.Korea, hindi malulutas ang mga isyu.
Salin: Liu Kai