Martes, Mayo 29, 2018, sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na nagsasadya ngayon sa New York si Kim Yong-chol, Pangalawang Tagapangulo ng Komite Sentral ng Workers' Party ng Hilagang Korea (DPRK), at binabalak niyang makipagsanggunian sa panig Amerikano hinggil sa gaganaping pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.
Inipost sa twitter ni Trump na binuo na ng Amerika ang isang grupo para sa nasabing pagtatagpo, at sumusulong din ang isang serye ng pag-uusap ng panig Amerikano at Hilagang Koreano hinggil sa pagtatagpo nila ni Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng DPRK.
Salin: Vera