|
||||||||
|
||
Nag-usap sa Panmunjeom Sabado, Mayo 26, 2018, sina Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, at Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea. Nagkasundo ang dalawang panig tungkol sa pagsasakatuparan ng "Panmunjeom Declaration" na nilagdaan noong isang buwan at patuloy na pagpapabuti ng relasyon ng Timog at Hilaga, at relasyon ng Hilagang Korea at Amerika.
Ipinahayag ni Kim Jong-un ang "matatag na pagkukusang-loob" sa pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika.
Samantala, sinang-ayunan ng mga lider ng Hilaga at Tiog Korea na idaos ang talastasan sa mataas na antas sa unang araw ng darating na Hunyo. Sa pakikipagtagpo naman sa Amerika, iminungkahi ni Kim Jong-un na dapat patuloy at aktibong magtulungan ang dalawang panig sa hinaharap para mapabuti ang relasyon ng dalawang panig, at maitatag ang pangmatagalang matibay na mekanismong pangkapayapaan ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |