Inilahad sa CheongwadaeLinggo, Mayo 27, 2018, ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea ang resulta ng pagtatagpo ng mga lider ng South at North Korea. Ipinahayag niya na umaasa ang dalawang panig na matagumpay na maidaraos ang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea sa Hunyo 12. Muli ding nilang tiniyak na dapat tupdin ang "Panmunjeom Declaration" sa lalong madaling panahon.
Nag-usap sa Panmunjeom Sabado, Mayo 26, ang mga lider ng South at North Korea kung saan nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa pagsasakatuparan ng nasabing deklarasyon, at pagkakaroon ng pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea.
Salin: Li Feng