Pormal na naisaoperasyon Martes ng gabi, Mayo 29, 2018, ang direktang flight sa pagitan ng Haikou, Lalawigang Hainan ng Tsina, at Manila. Ang pagsasaoperasyon ng nasabing ruta ay nakapaglatag ng mas mabilis at maginhawang tulay na panghimpapawid para sa pagpapalitan ng Hainan at Manila.
Ayon sa salaysay ng Haikou Tourism Development Commission, ang nasabing linya ay kauna-unahang direktang linya ng Hainan patungong Pilipinas, sapul nang isagawa ng lalawigang ito ang visa free policy sa 59 na bansa. Ang naturang ruta ay may permanenteng lipad tuwing Martes at Sabado.
Mga espesyal na tourism package ang inilulunsad din ng mga ahensiya ng turismo ng Hainan at Pilipinas, para magkaloob ng ginhawa sa paglalakbay ng mga turistang Tsino't Pilipino.
Salin: Vera