|
||||||||
|
||
Haikou, Tsina—Nakatakdang magbukas ang direktang flight sa pagitan ng Maynila at Haikou, punong-lunsod ng Hainan, lalawigan sa dakong timog ng Tsina, sa loob ng taong ito.
Ito ang ipinahayag sa seremonya ng pagsasagawa ng nasabing flight, Linggo ng hapon, Enero 28, 2018.
Lumahok sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Turismo (DoT) ng Pilipinas, Kawanihan ng Turismo ng Hainan, at mga travel agency para mapasulong ang pagtutulungang panturismo ng dalawang panig.
Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, ang mga turistang Pilipino ay maaaring magtamasa ng visa-on-arrival kung maglalakbay sa Hainan, at maaari ring magkaroon ng 15 araw na visa-free na biyahe ang grupong binubuo ng di-kukulangin sa limang turistang Pilipino.
Pinaplano ng Hainan na sa taong 2020 makikilala ang lalawigan bilang pandaigdig na sentro ng turismo at pamimili, at puwerto para sa pandaigdigang biyahe sa pamamagitan ng bapor.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |