Guangzhou, Tsina--Binuksan Sabado, Enero 20, 2018 ng China Eastern Airlines ang direktang flight sa pagitan ng Guangzhou at Cebu.
Ang nasabing flight ay lumilipad bawat Martes at Sabado. Alas-tres ng hapon, lilipad ito mula Guangzhou at lalapag naman sa Cebu, alas-singko kinse ng hapon. Samantala, ala-sais diyes ng gabi, lilipad ito mula Cebu at darating ng Guangzhou alas-diyes singko ng gabi. Walang time difference sa pagitan ng nasabing dalawang siyudad.
Sa seremoya ng paglulunsad, sinabi ni Zhou Ying, Manager ng Sentro ng Pagbebenta sa Dakong Timog ng China Eastern Airlines na ang nasabing flight ay inaasahang maglalatag ng tulay na panghimpapawid para sa pamumuhunan, kalakalan, turismo at pag-aaral ng mga estudyante sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Salin: Jade
Pulido: Rhio