Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ilang kuwento sa pagitan ni Xi Jinping at mga kabataan

(GMT+08:00) 2018-05-31 16:47:43       CRI

Bukas, Hunyo 1, ay International Children's Day. Dito sa Tsina, mayroong isang "malaking kaibigan" na palagiang nagbibigay-pansin sa paglaki ng mga kabataan.

Ang "malaking kaibigan," na ito ay nagpadala minsan ng mensaheng pambati sa lahat ng mga kabataan ng buong bansa.

Sa maraming lugar'y nag-iwan ng mga kahanga-hangang kuwento para sa mga bata ang naturang "malaking kaibigan."

Ang nasabing "malaking kaibigan" ay si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina.

Kuwento 1: Mahiyain si Grandpa Xi

Gustong-gusto ng "malaking kaibigang" si Xi Jinping ang mga bata.

Noong taong 2014, pumunta siya sa kapitbahayan ng Junmen sa lunsod Fuzhou, probinsyang Fujian ng Tsina upang taos-pusong makipagpalitan sa mahigit sampung (10) bata doon.

Pagkatapos ng aktibidad, sinulat sa kanyang tala-arawan ng isang 7 taong-gulang na si Zou Ruining na "napakamahiyain ni Grandpa Xi!" Ito ay nakapagpaligaya sa mga Chinese netizens.

Si Zou Ruining (sa kaliwa)

Sa katotohanan, hindi mahiyain si Grandpa Xi, at gustong gusto niya ang mga bata. Sa mata ng mga bata, si Xi Jinping ay kanilang malapit na malaking kaibigan.

Kuwento 2: Liham sa mga Bata

Sa bisperas ng "International Children's Day" noong 2016, ipinadala ng 12 estudyante sa lunsod Taizhou, probinsyang Zhejiang ng Tsina, ang isang liham kay Xi Jinping.

Mabilis nilang tinanggap ang sagot na liham mula sa kanilang "malaking kaibigan." Sa liham na ito, hinikayat niya ang mga estudyante na "magsipag sa pag-aaral upang maging tagapagtayo ng bagong henerasyon na may kaalaman, moralidad, at kakayahan."

Maligayang sinabi ng mga bata na "ito ay pinakamabuting regalo para sa kanila sa kapistahang ito!"

Kuwento 3: Pagkabahala sa mga Bata sa Nilindol na Purok

Noong Abril 20, 2013, niyanig ng lindol na may lakas na 7.0 richter scale ang Lushan, Lalawigang Sichuan ng Tsina. Sa panahon ng pagliligtas at rekonstruksyon sa lokalidad, ikinabahala ni Xi Jinping ang kalagayan ng mga bata sa lokalidad. Nang mangumsta sa mga apektadong mamamayan sa nilindol na purok, bumisita siya sa mga bata.

Sa loob ng isang tolda kung saan tumutuloy ang mga apektadong mamamayan, hinalikan si Xi ng isa't kalahating taong gulang na si Luo Jun, at "lolo" ang tawag niya kay Xi. Hinipo naman ni Xi ang mukha ni Luo Jun, at hinalikan siya. Ang kanyang halik ay tumimo sa puso ng lahat ng mga tao sa loob ng tolda.

Kuwento 4: Super Tagahanga ng Putbol si Xi Jinping

Alam mo ba, super tagahanga ng putbol si Xi Jinping. Pinahahalagahan niya ang pag-unlad ng kakayahan sa putbol ng mga kabataang Tsino. Sinabi minsan niyang sa proseso ng pagpapaunlad ng putbol, dapat pag-ukulan ng pansin ang pag-unlad ng mga bata.

Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Alemanya noong 2014, bumisita si Xi sa mga batang football player ng Tsina na tumatanggap ng pagsasanay sa Olympiastadion & Olympiapark Berlin. Noong panahon iyan, ginanap ang paligsahan sa pagitan ng mga bata mula sa Zhidan County ng Lalawigang Shaanxi ng Tsina at mga kabataang miyembro ng VfL Wolfsburg, isang football club ng Alemanya. Pinanood ni Xi ang paligsahan at masayang inenkorahe ang mga koponang Tsino at Aleman.

Sa halftime, kinumusta ni Xi Jinping ang mga batang manlalarong Tsino, at nalaman ang kanilang pagsasanay at pamumuhay sa ibayong dagat. Masayang ikinuwento ng mga bata sa kanya ang kanilang pag-ibig sa putbol at natamong karanasan sa proseso ng pagsasanay. Sinabi ni Xi na, "Optimistiko ako sa kinabukasan mo at iyong henerasyon. Umaasa akong magiging international football star kayong lahat sa hinaharap."

Salin: Vera / Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>