Beijing,Tsina--Kinatagpo Huwebes ng hapon, Mayo 31, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Bounnhang Vorachit, dumadalaw na pangulo ng Laos.
Sumang-ayon ang dalawang panig na ibayo pang palalakasin ang pagkakaibigan at komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Laos, sa pamamagitan ng paggagalangan at pagsusuportahan.
Nagkasundo rin silang pasusulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa larangan ng imprastruktura, agrikultura, edukasyon, turismo, at kalusugan.
Nauna rito, kinatagpo si Pangulong Bounnhang ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac