|
||||||||
|
||
Sa ilalim ng nasabing programa, mga 3,700 estudyante mula sa tatlong elementarya at mataas na paaralan sa Vientiane at Lalawigang Savannakhet ang bibigyan ng pagsusuri sa paningin, at ang grupong medikal ng Tsina ay magbibigay ng payo at libreng salamin sa mga estudyante kung kakailanganin.
Ang naturang programa ay isinasagawa sa ilalim ng mekanismo ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na itinatag noong 2016 sa Unang Pulong ng mga Lider ng LMC. Sa unang yugto ng Mekong Bright Journey, 800 pasyenteng may katarata mula sa Cambodia, Laos, at Myanmar ang nabigyan ng libreng operasyon ng mga doktor Tsino, at napanumbalik ang normal na paningin.
Ang mga manggagamot na Tsino habang nagsasagawa ng eye check-up para sa mga estudyanteng Lao
Group photo ng mga kinatawang estudyante at panauhing Tsino't Lao
Si Viengsuvan Phaxaysombath, Prinsipal ng Vientiane Middle School, isa sa nasabing kinapipinabangang paaralan habang kinakapanaym ng mga mamamahayag ng CRI
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CRI Laos Service
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |