Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Foreign direct investments, hindi kailangang asahang magpapaunald sa bansa

(GMT+08:00) 2018-06-04 18:20:17       CRI

NANINIWALA ang research group na IBON na hindi kailangang umasa ang pamahalaan sa mga foreign direct investment upang sumigla ang ekonomiya ng Pilipinas.

FOREIGN DIRECT INVESTMENTS, 'DI DAPAT ASAHAN.  Sinabi ni Bb. Casey Salamanca, senior researcher ng IBON Foundation na kailangang pasiglahin ang mga kalakal na pakikinabangan ng mga mamamayan.  Kabilang dito ang sektor ng pagsasaka.  Ito ang kanyang pahayag sa idinaos "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga. (Melo M. Acuna)

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ng senior researcher ng IBON ni Bb. Casey Salamanca, senior research ng IBON, naniniwala ang IBON na ilang dekada na ang lumipas na kinakitaan ng tumataas na foreign investments, naiiwan pa rin ang domestic industries kasabay na ang sektor ng pagsasaka samantalang hirapan pa rin ang karamihan ng mga mamamayan.

Lumago ang Foreign Direct Investments ng may 391% mula sa US$ 664 milyon noong 2013, umabot ito sa US$ 3.3 bilyon noong nakalipas na taon. Karamihan ng mga investments ay natungo sa foreign export enclave tulad ng manufacturing, business process outsourcing, commercial at residential real estate, transport infrastructure. Maganda ang tutubuin ng mga banyaga sa mga sektor na ito, dagdag pa ng IBON. Ang problema ay 'di naman ito napakikinabangan ng higit na nakararami.

Nakatanggap lamang ang sektor ng agrikultura ng investments na 0.6% o US$ 19.6 million sa buong foreign direct investments noong 2017. Ang Gross Domestic Product (GDP) ng pagsasaka ay bumaba mula sa 10.5% noong 2013 at nakamtan ang 8.5% noong nakalipas na taon. Walang kaunlarang nakamtan ang manufacturing na 22.8% ng buong Gross National Product noong 2013 at naging 23.6% noong 2017.

Sa pagpasok ng mga mangangalakal na banyaga sa Pilipinas, hindi naman nadagdagan ang bilang ng mga nagkatrabaho. Bumagsak pa ang may trabaho ng 663,000 mula sa 40.3 milyon noong 2017 kaysa datos noong 2016. Ito umano ang pinakamalaking kabawasan sa bilang ng mga manggagawa sa nakalipas na 20 taon. Bumagsak din ang Labor Force Participation Rate at nakamtan ang 63.7%, ang pinakamababa sa nakalipas na 20 taon na umabot lamang sa 63.1% noong 1985 sa hagupit ng pinakamatinding economic crisis. Higit naman sa isang milyon ang underemployed kahit mas mataas na ang employment at nabawasan ang mga walang trabaho.

Bago pa man nalagdaan ang World Competitiveness Report, nawawala na ang ningning ng Pilipinas na paglagakan ng capital. Nalaglag ang katayuan ng Pilipinas ng may siyam na baytang, ang pinakamalaking pagkalaglag sa Asia dahilan sa mga isyu ng paggawa at mahinang social infrastructure.

Sa halip na maghabol ng mga banyagang maglalagak ng capital sa PIlipinas, kailangan umanong pasiglahin ang local industries, utilities at services at isulong ang interes ng mga mamamayan kaysa mga kumpanyang Filpino at banyagang mayroong pangsariling adhikain.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>