Ipininid Hunyo 3, 2018 sa Singapore ang ika-17 Shangri-La Dialogue. Dumalo sa pagtitipon ang delegasyon ng Tsina na pinamunuan ni He Lei, Bise Presidente ng the Academy of Military Science ng Chinese People's Liberation Army.
Lubusang sinubaybayan ng pagtitipon ang kalagayan sa Peninsula ng Korea. Positibo ang mga kalahok sa nakatakadang pag-uusap ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea.
Ipinahayag ni Dr. NG Eng Hen, Ministrong Pandepensa ng Singapore, na bilang host, nagsisikap ang Singapore para sa ibat-ibang preparasyon ng naturang pag-uusap.