|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Sabado, Abril 21, 2018, ni Lawrence Wong, Minister for National Development ng Singapore, na sa taong 2019, itatatag ng kanyang bansa ang unang seed bank upang mas mabisang mapangalagaan ang dibersidad ng mga halaman.
Ayon pa kay Wong, matapos maitatag ang nasabing seed bank, magkakaroon ng kakayahan ang bansa na mag-iimbak ng mga buto ng 25 libong uri ng halaman. Ito aniya ay katumbas ng kalahati ng lahat ng uri ng halaman sa Timog Silangang Asya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |