Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-4 ng Hunyo 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong nakalipas na mga araw ibayo pang humuhupa ang kalagayan sa Korean Peninsula, at natamo ang mga positibong progreso sa pagpapabuti ng relasyon ng Hilaga at Timog Korea, at pag-uugnayan ng Hilagang Korea at Amerika.
Umaasa aniya ang panig Tsino, na patuloy na palalakasin ng Hilaga at Timog Korea ang diyalogo, at pabubutihin ang kanilang relasyon. Kinakatigan din aniya ng panig Tsino, na aktibong tugunan ng Hilagang Korea at Amerika ang pagsisikap ng isa't isa, ipakita ang katapatan sa isa't isa, at aktibong pasulungin ang paghahanda para sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai