Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-25 ng Mayo 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na napapansin ng panig Tsino ang lumitaw na kaligaligan sa paghahanda ng Amerika at Hilagang Korea para sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.
Ani Lu, umaasa ang panig Tsino, na pahahalagahan ng Amerika at H.Korea ang natamo nilang progreso, pananatilihin ang tiyaga, at ipapakita ang katapatan sa isa't isa. Sinabi rin niyang, ang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansang ito ay nagkakaroon ng masusing papel para sa pagsasakatuparan ng denuklearisasyon sa Korean Peninsula.
Salin: Liu Kai