|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 4 na buwan ng taong ito, ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng industriya ng serbisyo ng Tsina ay lumampas ng 1600 bilyong Yuan RMB, na lumaki ng 11.9% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Patuloy pa ang paglaki ng pagluluwas at pag-aangkat ng industriya ng serbisyo .
Ipinahayag ngayong araw ni Li Yuan, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang mainam na kabuhayang pandaigdig at mga kinauukulang patakaran ng Tsina sa loob ng bansa ay nagkaloob ng mabuting kondisyon para rito.
Bukod sa mga tradisyonal na serbisyo na tulad ng paglalakbay at iba pa, noong unang 4 na buwan ng taong ito, lumitaw ang mabilis na paglaki ng mga bagong serbisyong may kinalaman sa computers, maintenance at iba pa. Tinukoy ni Li na mula Enero hanggang Abril, lumampas ng 50% ang halaga ng pagluluwas ng mga bagong serbisyo sa kabuuang halaga ng pagluluwas ng industriya ng serbisyo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |