Ipinahayag Hunyo 6, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat itigil ng Amerika ang probokasyon sa South China Sea(SCS).
Winika ito ni Hua bilang tugon sa patuloy na paggigiit ng Amerika sa umano'y isinagawang militarization ng Tsina sa South China Sea, at pagpadala nito ng B-52 bomber sa SCS kamakailan.
Nang araw ring iyon, kinumpirma ng panig militar ng Amerika ang pagpadala kamakailan ng dalawang B-52 na eroplano sa SCS para sa pagsasanay.
Ipinahayag ni Hua na bilang offensive strategic weapons, ang pagpadala ng Amerika ng B-52 na eroplano ay para sa aksyon ng militarization o umano'y "malayang paglalayag" sa SCS. Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na itakwil ang pagsasabi na nagsasagawa ng militarization ang Tsina sa SCS, at anumang nitong probokasyon sa rehiyong ito. Samantala, sa harap ng anumang bantang militar na isinagawa at isasagawa ng Amerika, hindi magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa kabuuan at seguridad ng soberanya ng estado, at kapayapaan at katatagan ng rehiyon, dagdag pa niya.