Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sulyap sa pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina't Rusya

(GMT+08:00) 2018-06-09 10:28:44       CRI

Kasalukuyang isinasagawa ni Vladimir Putin ng Rusya ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina. Lalahok din siya sa Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos bukas, Linggo, Hunyo 9 sa Qingdao, Tsina.

Makaraan ang kanilang pag-uusap kahapon, ginawaran si Putin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng unang Medalyang Pangkaibigan ng Tsina. Magkasamang sumakay ang dalawang pangulo sa high speed train at tumayong-saksi sa paglalagda ng serye ng kasunduang pangkooperasyon ng dalawang bansa. Nanood din sila ng paligsahang pangkaibigan ng ice hockey sa pagitan ng mga bata ng dalawang bansa.

Ginawaran si Pangulong Putin (kaliwa) ni Pangulong Xi (kanan) ng unang medalyang pangkaibigan ng Tsina, sa Great Hall of the People sa Beijing, Tsina, Hunyo 8, 2018. Ito ang kataas-taasang karangalan ng Tsina para sa mga dayuhan sa katangi-tanging ambag sa modernisasyon ng Tsina, pagpapasulong ng pagpapalitan at kooperasyon ng Tsina at daigdig, at pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig. (Xinhua/Shen Hong)

Sina Pangulong Xi (kanan) at Pangulong Putin (kaliwa) habang sumasakay sa high-speed train mula Beijing, papuntang Tianjin, munisipalidad sa dakong hilaga ng Tsina, Hunyo 8, 2018. Sa biyahe, tumayong-saksi sila sa pagpirma sa kasunduang pangkooperasyon hinggil sa transportasyon ng daambakal ng dalawang bansa. (Xinhua/Ju Peng)

Sina Pangulong Xi (kanan) at Pangulong Putin (kaliwa) kasama ng mga batang miyembro ng koponan ng ice hockey ng dalawang bansa bago magsimula ang paligsahang pangkaibigan, sa Tianjin Indoor Stadium sa munisipalidad ng Tianjin sa dakong hilaga ng Tsina, Hulyo 8. Magkasamang inihulog ang puck ng dalawang lider para pasimulan ang paligsahan. Bilang fans ng ice hockey, umaasa ang dalawang pangulo na ang isport na ito ay magsisilbing bagong bigkis ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ipinahayag din ni Panguong Xi ang suporta sa Rusya bilang punong abala ng 2018 FIFA World Cup. (Xinhua/Pang Xinglei)

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>