Iginawad Biyernes, ika-8 ng Hunyo 2018, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Friendship Medal of the People's Republic of China kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Ito ang kauna-unahang paggawad ng Tsina ng medalyang ito.
Sa seremonya ng paggawad, sinabi ni Xi, na ang Friendship Medal ay pinakamataas na karangalang pang-estado ng Tsina para sa mga dayuhang kaibigang nagbibigay-ambag sa pagkatig sa modernisasyon ng Tsina, pagpapasulong sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ibang bansa, o pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Ani Xi, ang paggawad ng medalyang ito kay Putin ay nagpapakita ng lubos na paggalang ng mga mamamayang Tsino sa kanya, at malalimang pagkakaibigan ng Tsina at Rusya.
Pinasalamatan ni Putin si Xi sa paggawad ng unang Friendship Medal ng Tsina sa kanya. Tinawag niya itong "pinakamataas na pagpuri" sa kanya. Ipinakikita rin nito ang mataas na lebel ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Rusya at Tsina, at malalimang pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino sa mga mamamayang Ruso, dagdag pa ni Putin.
Salin: Liu Kai