Sumang-ayon ang mga kalahok sa lider ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na sa ilalim ng nagbabagong daigdig, walang bansa ang maaaring sarilinang umunlad at makatugon sa mga hamong panreshiyon at pandaigdig. Sa halip, kailangang palakasin ng iba't ibang bansa ang pagtutulungan, batay sa pagkakapantay-pantay, pagiging inklusibo at komong kasaganaan, para maisakatuparan ang matatag at sustenableng pag-unlad.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa preskon ngayong hapon pagkatapos ng SCO Summit.
Idinaos ngayong umaga ang SCO Summit sa Qingdao, baybaying-lunsod sa dakong silangan ng Tsina. Lumahok dito ang mga lider ng walong kasaping bansa ng organisasyon, na kinabibilangan ng ay Tsina, India Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio