Sa kanyang talumpating pambungad sa maliit na pulong ng Ika-18 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na binuksan ngayong umaga, Linggo, ika-10 ng Hunyo 2018, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang kasalukuyang pulong ay unang summit makaraang palawakin sa 8 kasaping bansa ang SCO. Mayroon aniya itong katuturang pangkasaysayan.
Tinukoy ni Xi, na kasunod ng paglaki ng SCO, dumarami ang pansin at pag-asa ng mga mamamayan mula sa rehiyong ito at komunidad ng daigdig sa SCO. Lumalaki rin aniya ang responsibilidad ng SCO sa pangangalaga sa katiwasayan at katatagan, at pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng iba pang kasaping bansa ng SCO, na samantalahin ang kasalukuyang summit, para lagumin ang mga karanasan, analisahin ang kalagayang panrehiyon at pandaigdig, i-plano ang kooperasyon sa hinaharap, at pasulungin ang matatag na pag-uunlad ng organisasyong ito.
Salin: Liu Kai