Nagkaisa ang mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa pagtutol sa preksyonismong pangkalakalan, sa anumang porma. Ipinahayag din nila ang pagsuporta sa mga alituntunin ng World Trade Organization (WTO) at multilateral na mekanismong pangkalakalan.
Sumang-ayon din silang palalimin ang pagtutulungan sa kabuhaya't kalakalan, pamumuhunan, pinansya, konektibidad, agrikultura; at ibayo pang pasulungin ang pagpapaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan para magdulot ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng rehiyon at magbigay ng kasiglahan para sa kabuhayang pandaigdig.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa preskon ngayong hapon pagkatapos ng SCO Summit.
Idinaos ngayong umaga ang SCO Summit sa Qingdao, baybaying-lunsod sa dakong silangan ng Tsina. Lumahok dito ang mga lider ng walong kasaping bansa ng organisasyon, na kinabibilangan ng ay Tsina, India Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio