Ipinahayag Linggo, Hunyo 10, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nitong 17 taong nakalipas sapul nang maitatag ang Shanghai Cooperation Organization (SCO), natamo nito ang napakalaking tagumpay. Aniya, sa pagpapatupad ng "SCO Charter" at "Treaty of Long-term Good-neighborliness, Friendship and Cooperation among SCO Member States," naitatag ng mga kasaping bansa ang konstruktibong partnership. Pinapurihan niya ang malaking inobasyon sa teorya at praktis ng relasyong pandaigdig, at paglikha ng bagong modelo ng kooperasyong panrehiyon, bagay na nakakapagbigay ng bagong ambag para sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino na sa kasalukuyan, ang SCO ay nagsisilbing isang komprehensibong organisasyon ng rehiyonal na kooperasyon na may pinakamalawak na saklaw at pinakamalaking populasyon sa daigdig. Ito'y nagiging mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlarang pandaigdig, at pangangalaga sa pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig, dagdag niya.
Salin: Li Feng