|
||||||||
|
||
SINABI ni Cardinal Luis Antonio Tagle na 'di kailanman nararapat matakot sa kaguluhang nagaganap na kinatatampukan ng mga pagpaslang sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Sa kanyang pahayag sa Araw ng Kalayaan, sinabi ni Cardinal Tagle na ang Kalayaan ay walang saysay kung matatakot ang mga mamamayan sa serye ng mga krimen, katiwalian at kahirapan.
Huwad umano ang Kalayaan kung binabale-wala at 'di pinahahalagahan ang katarungan. Labag sa batas ng Diyos ang pagpuksa sa buhay. Hindi kailanman malulutas ng mga pagpatay ang mga personal at panglipunan mga suliranin, dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Ikinalungkot niya ang mga pagpaslang tulad ng naganap kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan at kay Henry Acorda, isang manggagawang Filipino na pinatay sa Slovakia.
Umaasa umano siyang wala nang susunod. Ipinagluluksa ng lahat ang kanilang pagpanaw, ang kanilang mga naulila at ang lipunang humihiling ng katarungan para sa mga naging biktima, paliwanag pa ni Cardinala Tagle.
Nakiusap siyang huwag tumugon sa kaguluhan sa pamamagitan ng panibagong kaguluhan kasabay ng panawagan sa mga mamamatay-tao na tumigil na sa kanilang karumal-dumal na gawain.
Tumanggi umano sa mga nag-aalok ng salapi upang pumatay ng kapwa-tao. Nanawagan din ang cardinal sa mga mambabatas na pag-aralan ang bagong batas hinggil sa pag-aari ng sandata kasabay ng mga panawagang ituloy ang kampanya laban sa mga panaguang sandata.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |