|
||||||||
|
||
NAKATANGGAP ng mga pagbabanta ang napaslang na si Fr. Richmond Nilo. Ito ang nabatid ng mga pulis na nagsisiyasat sa naganap na krimen.
Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, ito ang nabanggit ng kapatid na babae ng napaslang na pari. Hindi lang binanggit kung ang pagbabanta ay harapang ipinarating o sa pamamagitan ng text message.
May tinulungan umanong naabusong menor de edad ang pari. Tinulungan ang menor de edad na pormal na mag-reklamo sa hukuman. Tumulong din ang pari sa mga argabyado sa problema sa lupain kaya nakatanggap ng mga pagbabanta.
Binaril at napatay ang pari ng mga 'di pa kilalang naka-motorsiklong kalalakihan.
Pinag-aaralan din nila ang anggulong mula sa pagpuna ng napaslang sa ibang pananampalataya.
Inaalam pa ng mga autoridad ang tunay na motibo ng pagpaslang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |