Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pantawid Pamilya, kailangang dagdagan pa

(GMT+08:00) 2018-06-15 17:27:09       CRI

NANINIWALA si Secretary Liza Maza ng National Anti-Poverty Commission na kailangang dagdagan pa ang kasalukuyang Pantawid Pamilya program ng Department of Social Welfare and Development upang maka-angat ang mga mahihirap. Niliwanag din ni Assistant Secretary Javier Jimenez ng Department of Social Welfare and Development na maliit ang halaga na kanilang inilalabas sa bawat ikalawang buwan.

Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, niliwanag ng dalawang opisyal na marami pang mahihirap bagama't layunin ng pamahalaang maibaba ang poverty rate sa 14% pagsapit ng taong 2022.

Kabilang sa mga panganib na hinaharap ng mahihirap ay ang mga kalamidad na karaniwang nagaganap sa bansa sa pamamagitan ng malalakas na bagyo at walang humpay na pag-ulan tulad ng nagaganap ngayon sa Metro Manila dala ng panahong habagat.

Sa panig naman ni Bb. Cassandra Salamanca, senior researcher ng IBON Foundation, kailangang masuhayan pa ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan. Kailangan ding magkaroon ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Ayon naman kay Dr. Rene Ofreneo, dating dekano ng University of the Philippines – School of Labor and Industrial Relations, kailangang magbago ang programang pang-ekonomiya ng bansa sapagkat wala namang pagbabago sa mga programa mula pa noong manungkulan si Pangulong Corazon Aquino noong 1986. Kahit umano si Economic Planning Secretary Ernesto M. Pernia ang nagsabing ipinagpapatuloy lamang ng Duterte Administration ang programa nitong minana sa dating pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Nanawagan siyang pasiglahin ang takbo ng pagsasaka upang umangat din ang buhay ng mga magsasaka sa kanayunan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>