SA umulan man o umaraw, tuloy ang pagtitipon sa dating kinalalagyan ng bantayog ng mga kababaihang inabuso boong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mag-aalay ng mga bulaklak ang iba't ibang mamamayan sa dating kinatatayuan ng bantayog na inalis ng pamahalaan noong nakalipas na ika-27 ng Abril.
Magsasalita sina Lola Estrellita, ang isa sa apat na nalalabing biktima ng pang-aabuso, Professor Teresita Ang See ng Kaisa para sa Kaunlaran, Sr. Mary John Mananzan ng St. Scholastica's College at Congresswoman Arlene Brosas ng Gabriela.
Mananawagan silang ibalik na ang bantayog sa kinalalagyan nito.