SINABI ng Ombudsman na si dating Deputy Immigration Commissioner Al Argosino ang pinakautak sa P 50 milyong bribery scandal sa tanggapan noong nakalipas na Nobyembre ng 2016.
Inakusahan si Argosino sa pagkilos nito o sa pakikipagsabwatan kay dating Deputy Commissioner Michael Robles at retiradong pulis na si Wally Sombero na magkamal ng nakaw na salaping nagkakahalaga ng P 50 milyon.
Ginamit umano ni Argosino ang kanyang posisyon bilang autoridad kasama ang kapwa akusadong si Robles na gumamit din ng posisyon sa paghingi at pagtanggap ng salapi mula sa isang pribadong tao upang makinabang sa biyayang maidudulot ng salapi.
Pormal na sinangayunan ng Sandiganbayan Sixth Division ang pagsusog sa sumbong noong nakaipas na Lunes, ika-apat ng HUnyo. Sapagkat kumontra sina Argosino, Robels at Sombero sa kahilingang masusugan ang sumbong ng taga-usig at ang tatlo ay mababasahan pa lamang ng sakdal.